4-anyos, patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili

876

NEW JERSEY, USA – Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang 4-anyos na lalaki matapos umano nitong mabaril ang sarili.

Sa report ng awtoridad, Biyernes, Pebrero 7 pasado alas 7:00 ng gabi (USA time) nang tawagan sila ng pamilya ng biktima dahil sa nangyaring trahedya.


Kinilala ang biktimang si Lincoln Mack, isang pre-schooler, na naiulat na mayroong tama ng bala sa kanyang mukha na agad namang naisugod sa ospital ngunit idineklara ring patay.

Lumalabas sa imbestigasyon na aksidenteng natamaan ng bata ang sarili nang magkaroon ito ng kakayahang gumamit ng naturang baril.

Samantala, nangyari ang insidente sa loob ng bahay habang kasama ng bata ang kanyang pamilya.

Sa salaysay naman ni Prosecutor Scott Coffina ng Burlington County prosecutor’s office, ang mga ganitong klase ng aksidente ay kaya naman umanong iwasan hangga’t may ibayong pag-iingat ang mga magulang.

Pinaalalahanan niya rin ang mga ito na siguruhing walang kakayahan ang kanilang mga anak na gumamit ng mga baril kung mayroon man, sa kanilang tahanan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyari.

Facebook Comments