4 Bangkay Kabilang ang 2 Piloto, Narekober sa Bumagsak na Helicopter ng TOG2

Cauayan City, Isabela- Narekober na ang dalawang (2) nawawala sa limang (5) sakay ng 205th Tactical Helicopter Wing ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force na bumagsak at sumabog sa ramped area ng TOG2 sa mismong Air Station sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Fire Chief Inspector Aristotle Atal, bagong hepe ng BFP Cauayan City, huling narekober ang dalawang nawawalang sakay ng helicopter na naipit sa loob nito.

Isang crew naman ang nakatalon na isinugod sa ospital sa Lungsod ng Cauayan matapos magtamo ng mga injuries sa katawan.


Base sa unang ulat, 2 piloto, 2 crew at isang backride ang lulan ng helicopter na may tail number 8308.

Ayon kay Chief Insp. Atal, nahirapan silang lumapit at apulahin ang apoy nang respondehan ang naturang insidente.

Nasa 30 minuto aniya ang lumipas bago naapula ang sunog sa pakikipagtulungan na rin ng AFP, PNP, Rescue 922 at iba pang mga ahensya.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ang apat na nasawi.

Ipinaubaya na rin ng BFP Cauayan City sa pamunuan ng Philippine Air Force ang imbestigasyon sa nangyaring trahedya na kasalukuyan nang ginagawa ng Hukbong Panghimpapawid.

Magugunitang pasado alas 7:00 kagabi nang mangyari ang insidente habang pa take-off na sana bilang bahagi ng kanilang isinasagawang NVG Proficiency Training nang aksidenteng mag-crashed at sumabog ang helicopter sa ramped area ng TOG 2.

Facebook Comments