4 Bayan sa Isabela, Hinirang bilang 1st Place sa ‘Unang Bugso ng Subaybayan’ ng DILG

Cauayan City, Isabela- Hinirang bilang 1st place sa buong Cagayan Valley region ang ilang bayan sa Isabela na kinabibilangan ng LGU Naguilian, Mallig, Ramon at San Mariano habang 8th place naman ang Dinapigue matapos makakuha ng 98.97% grade.

Ito ay matapos mapabilang sa Unang Bugso Sa SUBAYBAYAN ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Maliban dito, pinarangalan din bilang 1st place field officers ang mga Municipal Local Government Operations Officer ng mga nabanggit na bayan.


Kinilala ang mga field officers na sina LGOO VI Janice Sta. Cruz ng Ramon, LGOO VI Love Angel Zinampan ng San Mariano, LGOO VI Antonio Malayao ng Naguilian, Amelia Palting ng Mallig at LGOO VI Tridolfo Comiso ng Dinapigue.

Kabilang ang nasabing mga bayan at opisyal sa top 10 para sa Unang Bugso ng Subaybayan para sa buwan ng June 2021.

Facebook Comments