Manila, Philippines – Naalarma si Kabayan Rep. Ron Salo sa mga bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala ng Department of Health.
Sa huling tala ng DOH noong Disyembre, may 4 na kaso ng mga buntis na mga nasa edad 22 hanggang 25 taong gulang ang nagkasakit ng HIV-AIDS habang 52 mga adolescents kung saan dalawa dito na nasa pagitan na edad na 10 hanggang 14 taong gulang ang nahawa din ng nasabing sakit.
Nahawa ang mga ito ng sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Nakakabahala na aniya ang pagtaas pa ng mga kaso ng HIV-AIDS lalo na sa mga kabataan kaya dapat na maipatupad na Philippine HIV-AIDS Policy Act.
Mas lalo na aniyang kailangan ngayon ang prevention, education at iba pang paraan ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng sakit at mahikayat ang mga may HIV-AIDS na makapagpagamot.
Sa ilalim ng HIV-AIDS Law, ang mga Nasa edad 15 hanggang 18 taong gulang ay maaaring boluntaryong sumailalim sa HIV testing.
Ang mga may edad na 15 anyos pababa na buntis o may high-risk behavior ay maaari ding magpa-HIV test pero dapat ay may assistance mula sa licensed social worker o health worker.