4 Chinese National, Dinakip ng mga Otoridad!

105

Cauayan City, Isabela– Apat na chinese nationals ang dinakip ng PNP Cauayan sa isinagawang warehouse inspection Brgy. Minante 2, Cauayan City.

Nakilala ang isa sa apat na chinese nationals na si Wu Liang Zhuang, 32 taong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong kasamahan nito.


Nakarekober ng mga otoridad ang mga kemikal sa nasabing warehouse na pinapatakbo ng negosyanteng si Jose Tan Uy.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, lumabas isinagawang eksaminasyon sa kemikal na ginagamit ito sa paggawa ng cigarette filter at pentelpen.

Nagnegatibo ang mga kemikal sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot.

Nasa kustodiya na ngayon ang mga nasabing chinese nationals para sa karagdagang imbestigasyon.

Posibleng madeport ang mga ito matapos mapag alamang walang kaukulang permit para magtrabaho dito sa bansa.

Facebook Comments