4 Chinese national, sugatan matapos sumabog ang LPG tank sa isang restawran sa Makati

(Makati Police)

Nagtamo ng sugat ang apat na Chinese national nang sumabog ang tangke ng LPG sa isang restawran sa Brgy. San Antonio, Makati City noong gabi ng Huwebes, Enero 2.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkabasag-basag ang salamin ng kainan na nagkalat pa umano sa paligid matapos ang pagsabog.

Dahil sa nangyari, nasugatan ang mga empleyado na kinilalang sina Yue Qzang Cao, 45; at Liang Zhang, 37.


Nadamay naman ang mga napadaan nang mangyari ang insidente na sina Ting Tang, 26; at Long Liun Yun, 27.

Sa report ni Makati police chief Col. Rogelio Simon, gas leak ang nakikitang sanhi ng naturang pagsabog.

Maswerte na lamang daw at sarado ang restawran nang mangyari ang insidente.



Facebook Comments