Cauayan City, Isabela- Nakaramdan ng 5.1 na pagyanig ng lindol ang Bayan ng San Luis sa Lalawigan ng Aurora bandang 10:10 ngayong umaga.
Ayon kay Ginoong Rosler Abordo, Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer, may ilang sanga ng mga puno sa ilang barangay ang bumagsak sa mga poste ng kuryente dahilan para mawala ang suplay nito habang nagbagsakan din ang sanga ng puno sa mga pangunahing kalsada na patuloy na nagsasagawa ng clearing operation.
Dagdag pa niya, sakaling magkaroon ng hindi maayos na sitwasyon sa ilang coastal area ng barangay gaya ng Dimanayat, Dikapinisan, Dibayabay at Dibut ay agad na ililikas ang mga residente sa ligtas na lugar.
Sa ginawang pag-iikot ng MDRRMO, walang nakitang pagbitak ng lupa magig sa mga establisyimento kung kaya’t tinitiyak ng nasabing tanggapan na masigurong ligtas ang publiko.
Naramdaman ang intensity 6 sa Bayan ng Baler habang Intensity 4 sa Palayan City at Dingalan, Aurora.