4 COVID-19 Patients sa Cauayan City, Nakarekober

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa COVID-19 ang apat (4) na tinamaan ng virus na naitala sa Lungsod ng Cauayan.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, idineklarang ‘fully recovered’ sa COVID-19 sina CV3643, CV3644, CV3659 at CV3576.

Sina CV3643, CV3644 at CV3576 ay pawang mga taga barangay District 1 habang si CV3659 ay residente ng brgy. San Fermin.


Ang apat na gumaling ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan ay mayroong 29 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments