
Inihayag ni Sec. Vince Dizon na sinimulan na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng 4-day work week sa kanilang tanggapan.
Ito’y bilang pagtalima sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pagtitipid sa mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan.
Pero paliwanag ni Dizon, isasagawa lamang ito sa mga opisina at hindi sa mga proyekto ng pamahalaan.
Giit pa ng kalihim, kung sila ang masusunod ay nais nilang 24/7 ang gagawing pagsasa-ayos at konstruksyon sa mga kasalukuyang proyejto ng kanilang ahensya.
Sa kabila nito, tiniyak ni Dizon na makikiisa ang DPWH sa panawagan ng pangulo na pagtitipid para maibsan ang epekto ng kaguluhan nagaganap sa Gitnang Silangan sa ating bansa.
Facebook Comments










