Posibleng may nakalusot sa mahigpit na ipinapatupad na border control ng pamahalaan laban sa Delta variant.
Ito ang pananaw ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Adviser Dr. Teddy Herbosa kasunod ng pagkakaroon ng labing isang local cases ng Delta variant sa bansa.
Sa interview ng rmn manila, ipinaliwanag ni Herbosa na halos lahat ng nagpositibo sa delta variant ay mga Returning Overseas Filipino kaya posibleng may nakalusot sa border ay nakahawa sa komunidad.
Bunsod nito, sinabi ni Herbosa na magpapatupad ang pamahalaan ng 4-door policy laban sa Delta variant.
Nabatid na 40 percent na mas nakakahawa ang Delta variant kumpara sa ibang COVID-19 strain kung saan pumapalo sa apat ang reproduction number nito.
Facebook Comments