4-ft python, bumulaga sa washing machine ng babae sa US

52055

FLORIDA, US – Patuloy na pinag-iisipan ng isang babae kung paano napunta sa loob ng kanyang washing machine ang isang python na may habang 4-foot.

Araw daw kasi ng paglalaba ni Emily Visnic nang mawindang siya sa nakita matapos buksan ang kanyang washing machine- isang bisita ang tila nagpapahinga sa loob.

Kwento ni Emily sa panayam ng Florida CBS News nitong Biyernes, sa una ay inakala niyang tela na may snake-print ang nasa loob ngunit nang lapitan ay napagtanto niyang isa itong malaki at mabigat na ahas.

“I looked down and I saw something snakeskin and I was like, ‘Huh. What did I put in here that was snakeskin?’ And I reached down and it started slithering and oh my gosh. I screamed so loud. It was a huge python,” aniya.

Hindi raw niya alam kung paano nakapasok sa kanyang apartment ang ahas at kung paanong nakalusot sa washing machine sa laki nito.

Nabanggit naman ni Emily na isang araw bago bumulaga ang nasabing ahas ay isang kapitbahay na ang nagbabala tungkol dito.

Nakarinig daw siya ng “hissing” nito matapos siya direktang ituro ng kanyang kalapit-bahay at paalalahanan.




Facebook Comments