Former Commission on Elections chairman Sixto Brillantes, Jr., pumanaw na kaninang pasado alas onse ng umaga, ayon kay spokesperson James Jimenez

315

Kinumpirma ni COMELEC Spokesman James Jimenez na Pumanaw na si dating Chairman Sixto Brillantes Jr.


Binawian ng buhay si Brillantes kanina lamang alas-11:08 ng umaga.

Nauna nang napabalita na si Brillantes ay tinamaan ng COVID-19.

Nakatakda namang maglabas ng pormal na statement ang COMELEC hinggil sa pagpanaw ni Brillantes.

Magdiriwang sana si Brillantes ng kanyang kaarawan sa darating na August 14.

Siya ay namuno sa COMELEC noong January 2011 hanggang February 2015.

Si Brillantes ay kilala rin bilang isang election lawyer.




Facebook Comments