Kung madalas sumakit ang iyong ipin at wala kang oras para pumunta pa sa iyong dentist, ito ang iilan sa mga pwede mong gawin sa bahay para lunasan ang sakit ng ipin mo:
- Isa sa pinaka epektibo na lunas sa sakit ng ipin ang pag mumumog ng maligamgam na tubig na may halong asin. Nakatutulong ang asin para mabawasan ang pamamaga at nakakalunas ng mga sugat o mouth sores.
- Ang pagmumumog ng Hydrogen peroxide ay nakatutulong din para mabawasan ang sakit at pamamaga. Ito rin nakapapatay ng bacteria, pwede rin ito makatulong upang mabawasan ang bulok ng ipin at nakapagpapagaling ng nagdudugong gilagid.
- Ang pag gamit ng cold compress naman ay nakatutulong para mabawasan ang sakit at pamamaga. Tumutulong din ito para mag sara ang open area ng mga blood vessels.
- Mag durog ng bawang at gawin itong parang toothpaste para mabawasan ang sakit, at ito ay nakatutulong para pumatay ng bacteria na nagdudulot ng pagbulok ng ipin.
Facebook Comments