Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Harold Valeros, 18-anyos, binata, isang construction worker; Marlyn Valeros, 46-anyos; Benedict Valeros, 52-anyos, at Jomer Dela Cruz, 37-anyos, walang asawa, isa ring construction worker at lahat ay pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga na may bigat na 1-gramo; labindalawang (12) piraso ng pakete na naglalaman naman ng pinatuyong dahon ng marijuana, stalks at fruiting tops na tumitimbang ng 200-gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P24,000 at mga drug paraphernalia.
Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad.