DOST Region 2, Suportado ang Japan Multibillion AI Project para sa Quirino Province

41
Cauayan City, Isabela- Nangako ang Department of Science and Technology Regional Office No. 02 sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Center-Quirino ng suporta sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino sa pakikipagtulungan sa Tokushima Auction Market, isang korporasyong pag-aari ng gobyerno, ng Philippine Agriculture kasabay ng ginawang paglagda sa Development Concession Memorandum of Understanding sa Quirino Watersports Complex, Cabarroguis, Quirino.

Pangunahing makikinabang ang mga magsasaka ng citrus sa lalawigan at iba pang pang bahagi ng rehiyon sa pagtatatag ng isang Artificial Intelligence (AI) processing facility para sa mga produktong pang-agrikultura, pangunahin ang paggawa ng citrus jam at purée na may formulation na nagmumula sa teknolohiya ng Japan.

Kaugnay nito, ibinahagi ni G. Roderick Mariano, Chairman ng QMansi at benepisyaryo ng DOST SETUP, ang mga pagkakataon para sa lalawigan.

Aniya, ang Tokushima Auction Market ay nakasentro sa 20 million jars production kada buwan ng citrus jam katumbas ng 350,000 kada araw.

Ito ay rin ay may kabuuang 3,500 metric tons ng kalamansi kada buwan kung saa ang dami ng produksyon na ito ay nangangailangan ng hindi bababa sa 5,000 ektarya ng citrus land.

Kabilang sa mga dumalong delegado ang Presidente at CEO ng Tokushima Auction Market, Japan na si G. Yoshihisa Arai, Dr. Kazuo Hara, Chairman ng Japan Medical Association at G. Amin Javadi, Economic Section Head, Iran Embassy to the Philippines.

Facebook Comments