4 Kalalakihan, Huli sa Iligal na Tupada

55

Cauayan City, Isabela- Arestado ang apat (4) na kalalakihan matapos mahuli sa akto na nagsasabong pasado alas-6:00 ngayong gabi sa Brgy. Bustamante, Luna, Isabela.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jernel Mendez, 25-anyos; Galjie Corales, 24-anyos; Gergie Onsing at Kevin Tambo, kapwa 19-anyos at mga laborer.


Una rito, nakatanggap ang mga otoridad ng reklamo kaugnay sa iligal na sabong na kinakasangkutan ng mga nasabing suspek.

Dahil dito, kaagad na nagtungo sa lugar ang mga pulis at naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng iligal na ‘tupada’.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang manok na panabong at P1,000.

Sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na nasa kustodiya ng PNP Luna.



Facebook Comments