4 katao arestado ng PDEA ARMM

Arestado ang apat na indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon ng PDEA ARMM sa Cotabato City.

Unang nahuli sa Purok Bagal, Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, si Mairah Akmad Amino, 25 years old .

Nakumpiska sa suspek ang walong sachet ng shabu. Habang nakatakas ang target ng buybust operation na mister ni Amino na nakilalang si Saidali A. Kabamblan o Dali .


Samantala arestado rin sa Mabini Interior, Purok 3, Barangay Bagua 3 si Sherma Angkay Ampuan alias “Sherma”, 26 years old sinasabing drug pusher at drug den maintainer .

Nakumpiska kay Ampuan ang 12 piraso ng shabu at mga drug paraphernallias.

Kalaboso rin ang mga naaktuhan sa drug den na sina Ibrahim Dela Cerna Talusob alias Tisoy, 36 years old at Rico Lim Balilia alias Rani, 50 years old .

Kasalukuyang kalaboso na sa prison cell ng PDEA ARMM ang mga naaresto at nahaharap na sa paglabag sa kasong Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang pagpapalakas pa ng kampanya kontra droga ng PDEA ARMM sa buong rehiyon ayon pa kay Director Juvenal Azurin.(DENNIS ARCON)

GOOGLE PIC

Facebook Comments