𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗪𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang isang trenta y singko anyos na negosyante sa ikinasang search warrant implementation sa bayan ng Mangatarem.

Ang suspek ay nakilalang si Mark Anthony Castro residente ng Brgy. Torre 2nd sa nasabing bayan.

Ikinasa ang search warrant implementation sa tahanan ng suspek pasado alas nuebe ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.6 grams at nagkakahalaga ng mahigit sampung libong piso kasama pa ang ilang illegal drugs paraphernalia.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang suspek at nahaharap na sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments