4 katao na iligal na nag-transport ng Narra, naharang sa San Juan City

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na aabot sa mahigit ₱350,000 halaga ng kahoy na Narra ang nasabat ng DENR-Anti-Illegal Logging Task Force sa San Juan City.

Ayon kay DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan, bukod sa libong bilang ng board feet ng Narra tree at truck na gamit sa iligal na pagdadala ng Narra, arestado rin ang apat na kataong sangkot sa illegal transport ng nabanggit na kahoy.

Paliwanag ni Caancan na naging posible ang joint operation ng DENR- Anti-Illegal Logging Task Force, DENR-NCR at San Juan City Police dahil sa tip na natanggap ng mga otoridad na dadalhin sa lungsod ang kontrabando na galing sa Southern Luzon area.


Dagdag pa ni Caancan, ang Metro Manila ang hot spot na nagsisilbing transshipment point ng illegal trade ng wild animals at mga forest products.

Kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree no. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines ang kakaharapin ng apat na arestado.

Facebook Comments