4 KATAO, NAHULING NAGTATAPON AT NAGSUSUNOG NG BASURA SA TAGARAN

CAUAYAN CITY- Huling-huli sa akto ang apat (4) na indibidwal matapos magsunog at magtapon ng basura sa may gilid ng Cauayan City Sports Complex, Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Committee on Clean and Green Daniel Acob, naging matagumpay ang operasyon laban sa mga lumalabag sa environmental ordinances, kung saan apat na suspek ang nahuli sa aktong pagsunog ng mga wires at pagtatapon ng basura.

Ang mga nahuli ay pinarusahan ng sampung araw na community service na kinabibilangan ng pagkuha ng mga basurang itinapon nila at pagdadala ng mga ito sa dumpsite sa Brgy. San Pablo.


Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng intensyon ng lokal na pamahalaan na bigyan ng leksyon ang mga lumabag habang tumutulong sa pagsasaayos ng lugar.

Dagdag pa ni Kagawad Acob, kanilang pinapaigting ang kampanya para sa malinis na kapaligiran at umaasa na magsisilbing babala ang insidenteng ito upang maiwasan ang muling paglabag ng ibang residente.

Facebook Comments