4 Katao, Naputukan ng paputok sa pagsalubong sa 2019

Sugatan ang apat na katao matapos maputukan ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang mga biktima na sina Jaymar Allam Magundayao, 14 taong gulang, Ernesto Bangayan Suyu, 54 anyos, na kapwa residente ng Cabagan, Isabela.

Sugatan rin sina Raymundo Alverto Balanza, 58 anyos, ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela; Junior Guiyab Balisi, 27 anyos, residente naman ng Brgy. Cumabao, Tumauini, Isabela.


Ayon sa tala ng PNP, naputukan sa kanang bahagi ng kamay si Magundayao gamit ang Kwitis, sa kanang braso naman si Suyu gamit ang Diamon Baby Rocket, nasabugan naman sa kanyang kaliwang kamay na nagresulta sa second degree burn si Balanza gamit ang Whistle bomb habang si Balisi naman ay nagtamo ng 1st degree burn matapos maputukan sa kanyang kaliwang braso gamit ang Fountain Flaming Balls.

Isinugod naman ang mga ito sa mga pinakamalapit na pagamutan para sa kanilang karampatang lunas ngunit agad rin na-discharge.

Facebook Comments