Cotabato blast, posibleng kagagawan ng ISIS-inspired local terror group – PNP

Malaki ang posibilidad na kagagawan ng ISIS-inspired local terror group ang naganap na pagsabog sa isang mall sa Cotabato City kahapon, bisperas ng Bagong Taon.

Ito ang sinabi ni PNP spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana Jr.

Aniya mas marami pang planong pag-atake ang teroristang grupo pero dahil sa umiiral na martial law sa Mindanao ay hindi nakakaubra ang mga terorista.


Kaya panawagan nila ngayon sa publiko na maging mas mapagmatyag upang mapigilan ang mga plano pang panggugulo ng mga terorista.

Paliwanag ni Durana, na kahit may umiiral na martial law sa Mindanao ay aminadong silang hindi lahat ng sulok ng Mindanao ay kanilang nababantayan kaya nalusutan katulad ng nangyaring pagsabog sa Cotabato City mall.

Mahalaga aniya ang pakikipagtulungan ng komunidad para mapanatiling payapa.

Facebook Comments