4 katao sugatan sa pagsabog sa North Cotabato at Maguindanao

31

Tatlo katao ang sugatan sa pagsabog ng granada sa Barangay Kulambog sa bayan ng Pikit North Cotabato kagabi. Ito ang inihayag ni PSupt. Bernard Tayong,tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office(CPPO). Kinilala ang mga nasugatan na sina Leonardo Milano Baclayon ,56 ,isang magsasaka, Jerry Ordova, 44, magsasaka at Ariel Makilang Abrenica, 36 anyos. Nasa labas ng tindahan ang tatlo at nag iinuman ng dumating ang mga nakamotorsiklong suspect at inihagis ang granada. Samantala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay isang pagsabog din ang naganap pasado alas sais kagabi malapit sa round ball , hindi lamang kalayuan sa Headquarters ng 6th Infantry Division . Dito ay isang balot vendor ang nasugatan. Hindi pa matukoy ang suspect at ang motibo sa pagpapasabog.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments