PINAUBAYA NA | Pagtatalaga ng mga Police Directors, hindi na pakikialaman ni Dela Rosa

58

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ni outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde ang pagtatalaga ng mga police directors na makakasama niya sa kanyang pamumuno.

Ayon kay Dela Rosa, oras na ni Albayalde at ibinibigay niya na ang buong kapangyarihan dito sa pagmamando ng PNP.

Hindi na rin daw magrerekomenda kung sino ba ang nararapat na umupo sa babakantahing pwesto ni Albayalde sa National Capital Region Police Office.

Aniya anumang movement na gagawin ni Alabayalde ay suportado niya at nakakatiyak siya na para ito sa ikabubuti ng kanilang hanay.

Una nang lumutang ang mga pangalan nina QCPD Director Guillermo Eleazar, CIDG Director Roel Obusan at Director Camilo Cascolan ng Directorate for Operations ng PNP na susunod na magmamando sa NCRPO.

Facebook Comments