4 Lalaki na Wanted sa Batas, Arestado sa San Mariano, Isabela!

239

*San Mariano, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang apat na lalaki na wanted sa batas matapos na isilbi ang kanilang warrant of arrest sa Brgy. Panninan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang tatlong akusado na sina Porong Tamang, 26 anyos, binata, Arjay Zipagan, 30 anyos, binata, Tuting Ampa, 41 anyos, may-asawa at Espido Tamang, 42 anyos, may-asawa na pawang mga residente ng Brgy. Panninan, San Mariano, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa Isabela Police Office (IPPO), nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosives ang apat na akusado kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang pagkakahuli ng mga akusado ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac R De Alban ng RTC Branch 16 City of Ilagan, Isabela.

Dinala na sa himpilan ng San Mariano Police Station ang mga akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers