VIRAL: Video ng batang babae na umiiyak at nagrereklamo ng gawaing bahay

Screenshot via Filipino Community on Facebook

Viral ang video kung saan ang batang babae ay nagrereklamo habang umiiyak na umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen.

Sa caption na “Yung pagod ka na pinagalitan ka pa”, sinabi ng bata na tapos na siyang maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay.

 

Iba-iba naman ang komento ng mga netizen sa nasabing video.


“We should appreciate their little tiny efforts. That is what they want our appreciation and support. Be proud to them,” ani Aprilrose Udtohan.

“Dati pag sumagot ka sasabihin sayo, ‘oh ano sumasagot ka na ngayon? Yan ba natututunan mo sa eskwela.’ Tapos pag di naman sumagot, ‘oh ano kinakausap kita bakit ayaw mo sumagot? Yung totoo po? San po ba kami lulugar?” sabi naman ni LJ Nolasco.

Dapat lamang na turuan sila ng gawaing bahay habang bata pa ngunit sa pinalabas na video ay hindi dapat umabot sa ganiyan ayon kay Anyer Espeleta.

May nagdepensa namang baka praktis lamang daw ang arte ng bata.

Umabot na sa 1 million views na may 25,000 reactions, 2,100 comments at 29,000 shares.

Facebook Comments