Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang apat na most wanted sa batas matapos na maaresto sa magkahiwalay na probinsya sa Rehiyon dos.
Nadakip na ng otoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted person municipal level sa Brgy. Rang-Ayan, Angadanan, Isabela si Dindo Aguilar, may-asawa, magsasaka na residente rin ng naturang barangay.
Nahaharap sa kasong Robbery si Aguilar at walang inrekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Timbog rin sa Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela ang Top 2 Most wanted person ng naturang bayan na si Paulino Tabajo, 42 taong gulang, isang magsasaka at siya’y nahaharap sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons.
Pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang Php100,000.00.
Hindi rin nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang isa pang magsasaka na Top 6 Most wanted person sa municipal level na kinilalang si Sonny Enosebio, 40 taong gulang, residente ng brgy. Minuri, Jones, Isabela.
Natimbog si Enosebio sa tinutuluyan nitong bahay sa Brgy. Aklan Village, Diffun, Quirino.
Walang kaukulang piyansa ang kinakaharap na kasong Murder ni Enosenio.
Dagdag dito, pansamantala namang makakalaya sa kulungan si Florencio Paguirigan, 60 taong gulang, magsasaka, residente ng Brgy. Gangalan, San Mariano, Isabela kung makakapagpiyansa ng halagang Php100,000.00 sa kanyang kasong Homicide.
Si Paguirigan ay itinuturing na Top 6 Most Wanted person sa bayan ng San Mariano.