4 na armadong lalaki, arestado sa Pasay

Pasay City – Arestado ang 4 na armadong lalaking sakay ng isang SUV sa checkpoint sa Barangay 87 sa Pasay City.
a
Nakilala ang mga suspek na sina Lintang Pahiz, Salikaya Panday, Abdullah Tanggote at Amer Adam.

Ayon sa Pasay Police, ikinasa nila ang checkpoint matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang grupo ng mga lalaking lulan ng itim na Mitsubishi Montero.

Ang mga suspek ay sangkot umano sa dalawang insidente ng pamamaril sa lungsod kung saan isang Bangladeshi national ang mastermind.


Narekober sa 4 ang dalawang caliber 45 pistols kasama ang dalawang magazines at 14 live ammunition.

Isang caliber .45 at isang 9mm naman ang nakuha sa follow-up operation sa hideout ng mga suspek sa naturang lungsod.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa gun ban kaugnay ng Omnibus Election Code.

Facebook Comments