Hydro power plant sa Naujan, Oriental Mindoro, sinunog

816

Naujan, Oriental Mindoro – Sinunog ng nasa 30 hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang Sta. Clara International Corporation 8 Megawatts Catuiran Hydro Power Plant sa Barangay Malvar, Naujan Oriental Mindoro kahapon.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Socrates Fataldo, nakatanggap ng tawag ang Naujan Municipal Police Station mula sa barangay captain ng Barangay Malvar at 203rd Brigade CAFGU Patrol Base kaugnay sa nangyayaring panununog.

Batay aniya kwento ni Emilyn Tresioso, Project Manager ng Sta. Clara International Corporation, nagpakilala umanong mga miyembro ng Philippine Army ang mga suspek.

Una aniya nilang nakita ang maitim na usok na nagmumula sa heavy equipment kaya agad na inutos sa mga empleyado ang paglikas sa lugar.

Bukod sa 12 units ng mga heavy equipment sinunog rin ng mga umano’y rebelde ang main and safety office maging kanilang bodega.

Pagkatapos nang panununog ay nagpakilala silang mga miyembro ng NPA.

Facebook Comments