4 na armadong lalaki, patay matapos makaengkwentro ng QCPD

42

Quezon City – Patay ang apat na lalaki sa engkwentro laban sa Drug Enforcement Unit ng QCPD station 1 sa Eleventh St. Barangay Balingasa, Quezon City.

Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng tip kaninang alas-4 ng umaga na mayroong apat na armadong lalaki sa lugar na sinasabing bagsakan ng iligal na droga.

Agad nila itong pinuntahan pero nang makita sila ng mga suspek ay nakipagpalitan ng putok ang mga ito.

Narekober sa mga ito ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang cal.38., dalawang cal. 45 at isang 9mm.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments