4 na bagong EDCA sites, hindi muna tinukoy ng DND

Hindi pa muna tinukoy ng Department of National Defense (DND) ang apat na panibagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Sa press conference pagkatapos ng pulong ni Defense Sec. Carlito Galvez Jr., kay Defense Secretary Lloyd Austin III, sinabi ng kalihim na hindi pa niya maisapubliko ang lokasyon ng 4 na EDCA sites dahil nagpapatuloy pa ang negosasyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Units, at mga komunidad.

Ani Galvez, isasapubliko nila ito sa oras na makonsulta at pumayag na ang mga concerned LGU.


Pero pagtitiyak ni Galvez, lantad sa climate change ang apat na bagong EDCA sites.

Sa naunang pahayag ng DND ang mga karagdagang lokasyon ay mas makapagpapabilis sa paghahatid ng suporta sa humanitarian at climate-related disasters sa Pilipinas gayundin sa pagresponde sa mga hamong kinakaharap ng dalawang bansa.

Sa huli, sinabi ng kalihim na imbes na tawaging base militar, tatawagin itong EDCA sites dahil ito ay pasilidad ng militar kung saan may access ang Estados Unidos sa pagtatayo ng mga pasilidad, pag-preposition ng mga equipment, mga aircraft at vessels alinsunod na rin sa prinsipyo ng EDCA na nilagdaan noong 2014.

Kung saan nakasaad sa ating konstitusyon na pinagbabawalan ang pagtatayo ng foreign military bases sa bansa liban na lamang kung ito ay sakop ng treaty o kasunduan.

Facebook Comments