Abogado ng pamilya Mabasa, dinisbar ng Korte Suprema

Ipinag-utos ng Supreme Court ang disbarment sa abogado ng pamilya Mabasa na si Atty. Berteni Causing.

Kasunod ito ng pag-post ni Causing ng draft plunder complaint sa kaniyang Facebook account noong 2019.

Ang disbarment complaint ay inihain laban kay Causing noong Feb. 11, 2019 ng isang Jackiya A. Lao.


Ayon sa Korte Suprema, lumabag si Causing sa kaniyang sinumpaan bilang abogado at sa Code of Professional Responsibility.

Una na ring napatawan ng isang taong suspension si Causing dahil sa pag-post din sa FB account ng confidential pleading ng isang kaso sa court.

Iginiit naman ni Causing na ang kanyang FB posts ay bahagi ng freedom of the press at freedom of expression.



Facebook Comments