4 na bagong namatay sa COVID-19 sa Quezon City, nakatakdang i-cremate sa Baesa Crematorium

Nakatakdang i-cremate ngayong araw sa Baesa Crematorium ang apat na bagong namatay sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Quezon City.

Ayon kay Mr. Paulo Hipolito, supervisor ng Baesa Crematorium, aabot na sa tatlumpu ang na-cremate sa nasabing sementeryo na pawang mga biktima ng COVID-19.

Sa kabuuang bilang, dalawa dito ang positibo sa COVID-19 habang ang iba ay namatay dahil sa pagiging person under investigation (PUIs).


Sabi ni Hipolito, libre ang cremation sa Baesa Cemetery para sa lahat ng mga namamatay sa COVID-19 sa lungsod.

Aabutin lamang ng dalawang oras ang pagsunog sa katawan ng tao at paggiling sa mga buto nito.

Tiniyak naman niya ang kaligtasan ng kalusugan ng kanilang mga empleyado at maging ng nga residenteng nasa palibot ng sementeryo.

Nakasuot ng PPE ang mga nagsasagawa ng cremation habang regular ang pag-spray ng disinfectant sa buing gusali at paligid ng crematorium.

Ang Baesa Cemetery ay isinara na sa publiko at hindi na maaaring maglibing dito mula pa noong 2016 dahil sa overcrowded na.

Ngunit ito ay binuksan nitong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon upang dito gawin ang cremation ng mga namamatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments