‘Right to Privacy’ at ‘Right to Get Well’, apela ni Senator Pimentel

168

Humihiling si Senator Koko Pimentel ng right to privacy at right to get well habang nagpapagaling sa COVID-19.

Ito ang sinabi ng kanyang Chief Political Officer na si Ron Munsayac matapos kumalat ang balita na isinugod ito kagabi sa isang ospital.


Si Senator Pimentel, no comment na sa nabanggit impormasyon tungkol sa kanya.

Sabi naman ni Munsayac, nakaka-recover na si Senator Pimentel at sigurado na sa lalong madaling panahon ay malalabanan na nito ang virus.

Ayon kay Munsayac, patunay nito ang komunikasyon ni Pimentel sa marami sa pamamagitan ng telepono o social media.

Samantala, may impormasyon na nakapanganak na ang misis ni Pimentel sa isang hindi pinangalanang ospital.

Facebook Comments