4 na bagong senador, sumailalim sa orientation

Manila, Philippines – Sumalang sa orientation kahapon ang mga baguhang senador.

Ito ay sina senators elect Bong Go, Bato Dela Rosa, Imee Marcos at Francis Tolentino.

Ipinaliwanag sa kanila ang mga proseso sa paggawa ng batas, usaping administratibo, pondo, seguridad at iba pa.


Tiniyak ni Dela Rosa – patuloy ang kanilang self-study.

Para naman kay Tolentino – isusulong niya ang mga panukalang may kinalaman sa disaster resilience.

Sinabi naman ni Go – kahit senador na siya ay mananatili pa rin siyang adviser ng Pangulo.

Nagbunutan na rin ang mga senador para sa kanilang magiging opisina.

Si Marcos nabunot ang opisina ni outgoing Senator Antonio Trillanes IV.

Biro ni Imee, magpapatawag siya ng mga katutubong Igorot para basbasan ang kanyang opisina.

Magsisimulang manungkulan ang mga bagong halal na senador sa June 30.

Facebook Comments