4 na bahay at 2 sasakyan, naabo sunog sa Butuan City

Butuan City, Philippines – Mahigit sa isang milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Brgy. De Oro, Butuan City kagabi.

Ayon kay FO2 Elmo Orellan ng Butuan City Fire Department, na apat na bahay at dalawang sasakyan na kinabibilangan ng isang multicab at isang starex van ang tinupok ng apoy.

Sinasabing nagmula umano ang sunog sa pamamahay ni Margarito Cotmaya.


Hanggang ngayon ay inaalam pa ng imbestigador ang sanhi ng naturang sunog.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments