Mahigpit na seguridad, pinapatupad ng pulisya at militar sa CARAGA region

CARAGA, Philippines – Nasa full-alert status ngayon ang PNP sa CARAGA region matapos ang deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Ayon kay PNP CARAGA regional Director Pcsupt. Rolando Felix, simula kagabi, mas hinigpitan ang pinapatupad na mga checkpoints lalong lalo na sa mga entry points sa rehiyon partikular sa mga boundaries ng region 10 at region 11.

At ayon naman kay 401st brigade, Philippine Army Commander Col. Cristobal Zaragoza, wala pa silang natanggap na Implementing Rules and Regulations sa martial law declaration kaya sa ngayon wala pang nababago sa mga isinasagawang checkpoints maliban na lang kung may gusto silang i-search na nakakaduda.
DZXL558, Deo de Guzman


Facebook Comments