Nahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration o BI ang apat na Chinese nationals sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA dahil sa pagtatangkang pagpasok sa bansa gamit ang mga pekeng Paraguay passports.
Ayon sa BI, naharang sa NAIA Terminal 3 noong November 18 ang mga Tsino na sakay ng Emirates Airways flight mula sa Dubai.
Ang mga Chinese ay kinilalang sina Chen Zhijian, Wang Wenjie, Wang Anding, at Wang Mingdi, na pawang nasa 30-anyos ang edad.
Ayon sa BI, nagduda ang immigration officers matapos na magprisenta ng Paraguay passports ang apat na Tsino, gayung halata naman daw na itsurang Chinese ang mga ito.
Nabuking din ang mga ito sa interview nang hindi makapagsalita ng basic Spanish.
Facebook Comments