4 na Chinese national, arestado sa iligal na pagmimina sa Camarines Norte

Camarines Norte – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang apat na Chinese nationals na nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa likod ng mga iligal na pagmimina sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Kasalukuyan nang nakakulong sa bayan ng daet ang mga suspek na sina Han Bing, Zhang Ming, Wang Han-Qing at Sun Yu.

Narekober sa kanila ang iba’t-ibang gamit sa pagmimina, chainsaw at mga mineral.


Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Bureau of Immigration para malaman kung legal ang pagpasok ng nasabing mga dayuhan sa bansa.

Facebook Comments