Pink tricycle, agaw atensiyon sa isang sementeryo sa Tuguegarao City

Tuguegarao City – Agaw atensiyon sa mga dumadalaw sa sementeryo sa Tuguegarao City ang gimik ng isang memorial plans ngayong Undas.

Bukod kasi sa kulay pink na kabaong na maaaring makapag-selfie, ipinarada din ang sampung tricycle na kulay pink.

Ito ay inupahan ng naturang kompanya sa halagang P2,000 bawat isa kada araw na nagbibigay ng libreng sakay sa mga dadalaw sa sementeryo.


Ang nasabing libreng sakay ay magsisimula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments