4 na dome-collapse pyroclastic density current events, naitala sa Bulkang Mayon kagabi

Apat na dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events ang naitala sa Bulkang Mayon kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ito mula alas-6:09 ng gabi kung saan apat na minutong dumaloy ang lava pababa ng Basud Gully na umabot sa layong tatlo hanggang apat na kilometro.

Nakapagtala rin ng ashfall sa Tabaco City, Albay.


Mananatili ang bulkan sa Alert Level 3 pero mahigpit ngayong binabantayan ang mga nangyayaring pyroclastic density current.

Muli namang hinikayat ng PHIVOLCS ang mga nakatira sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone na lumikas habang ang mga komunidad sa loob ng 7- at 8-kilometer radius ay pinaghahanda sakaling lumala ang PDC activity ng Bulkang Mayon.

Facebook Comments