Mahigit ₱366-M na jackpot sa Ultra Lotto 6/58, napanalunan na!

Solong napanalunan kagabi ang mahigit 366 million pesos na jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination ay 43-58-37-47-27-17.

May siyamnapu’t dalawa ring mananaya ang nanalo ng second prize na 120,000 pesos.


Samantala, hindi pa rin napapanalunan ang mahigit 8.9 million pesos na jackpot prize sa Megalotto 6/45.

October 14, 2018 nang umabot sa 1.18 billion pesos ang premyo sa Ultra Lotto 6/58 na pinakamataas sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas.

Pinaghatian ito ng dalawang mananaya.

Facebook Comments