Positibo sa iligal na droga ang 4 na driver ng bus sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at ang isa pa rito ay nakainom ng alak.
Ito ang inianunsyo ni Jason Salvador ang Corporate and Government Relations Head ng PITX sa Laging Handa public press briefing.
Ayon kay Salvador, resulta ito ng random drug testing na ikinasa sa PITX ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang Land Transportation Office (LTO).
Paliwanag nito, agad kinumpiska ang lisensya ng limang drivers at isasailalim sa confirmatory test.
Kapag napatunayang gumagamit sila ng iligal na droga ay hindi na sila papayagan pang makapagmamaneho at isasailalim din sa rehabilitasyon.
Umaasa naman si Salvador na magsilbing aral ito sa iba pang mga tsuper ng pampublikong transportasyon sapagkat hindi lamang ang kanilang sarili ang inilalalagay nila sa panganib kundi maging ang buhay ng kanilang mga pasahero.