Ilang domestic flights sa NAIA, kanselado

83

Kanselado ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), dalawang domestic flights ng CebGo ang nagkansela ng biyahe.

Kabilang dito ang flight DG 6177 na biyaheng Manila-Masbate at Flight DG 6178 na biyaheng Masbate-Manila.


Nabatid na nakakaranas ng hindi magandang lagay ng panahon ang lalawigan ng Masbate maging ang ilang bahagi ng Bicol Region.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o kaya ay refund ng kanilang ibinayad sa pasahe.

Humihingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng airline company sa biglaang kansela ng biyahe.



Facebook Comments