4 NA ELECTRONIC GAME MACHINES KINUMPISKA NG MGA OTORIDAD SA SURIGAO CITY

4 NA ELECTRONIC GAME MACHINES KINUMPISKA NG MGA OTORIDAD SA SURIGAO CITY Sa nakuhang impormasyon ng RMN, isang SPO3 Godfrey Correos Reyna, Beat Officer ng Surigao City Police Station ang nag-turn over ng 4 na kulay orange at yellow na Fruit Game Machine o mas kilala sa tawag na “Chololot”. Diumano’y nakumpiska ito sa pamamahay nina Vicente Pegares at Anakorita Tamboli sa Purok 2, Brgy. Bonifacio, Surigao City. Sa ngayon ang 4 na units ang nasa pangangalaga ng City PNP at nakatakdang sampahan ng paglabag sa Presl. Decree No. 1602 o Illegal Gambling ang mga may-ari.

Sent from my iPhone

Facebook Comments