Walo, sugatan sa shooting incidente sa isang mosque sa France

355

World – Walo ang nasugatan sa pamamaril sa harapan ng isang mosque sa Southern French City na Avignon.

Sa ulat ng regional newspaper na ‘La Provence – dalawang suspek ang nakita ng mga saksi na namaril habang papalabas ng mosque ang mga tao.

May takip ang mukha ng dalawang suspek.


Posibleng away ng mga kabataan ang ugat ng pamamaril.

Mataas pa rin ang pinaiiral na security alert sa France dahil sa sunod-sunod na terrorism attacks.

Facebook Comments