4 na gov’t employees sa NAIA na nanonood ng teleserye habang on-duty, spotted!

Nahuli ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada ang apat na government employee na nakatalaga sa NAIA na nanonood ng pelikula at teleserye habang naka-duty.

Papunta si Lizada sa Visayas nang madaanan niya ang ilang tauhan ng NAIA Terminal 2 na busy sa panonood.

Ayon kay Lizada – ipauubaya na niya sa mga kaukulang ahensya ang mga nahuling empleyado sa pagdidisiplina sa kanila.


Matatandaang nag-surprise inspection din si Pangulong Rodrigo Duterte sa NAIA para tingnan ang sitwasyon ng mga paliparan.

Facebook Comments