Nadagdagan pa ang napaulat na namatay sa pananalasa ng Bagyong Maring.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat na ang kanilang reported deaths.
Tatlo rito ay mga napaulat na nasawi dahil sa landslide sa La Trinidad, Benguet.
Habang ang isa naman ay napaulat na nalunod sa Claveria, Cagayan.
Kinukumpirma pa ng NDRRMC kung may kinalaman sa bagyo ang pagkakasawi ng apat.
Samantala, may 478 na pamilya naman o katumbas ng 1, 638 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyo mula sa Region 2, MIMAROPA at CAR.
850 na indibidwal ang nanunulayan ngayon sa mga evacuation center habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na nakatira sa mataas na lugar.
Sa kasalukuyan, abala ang NDRRMC sa pagresponde sa mga binahang lugar sa mga apektadong rehiyon.