4 na jail guards ng Iloilo District Jail, tuluyan nang sinibak matapos makapasok ang droga sa loob ng bilangguan

94

Iloilo, Philippines – Tuluyan nang sinibak ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang apat na jail guards ng Iloilo District Jail (IDJ) sa Barangay Nanga, Pototan, Iloilo.

Ito ay kasunod ng pag-amin ng naarestong drug personality na si Josefina Doctora alyas Pinak na sa loob ito ng Iloilo District Jail kumukuha ng suplay ng iligal na droga.

Ayon kay BJMP-region 6 assistant Regional Director Supt. Gilbert Peremne, ang pag-relieve sa mga jail guard ay para hindi maapektuhan ang imbestigasyon ng BJMP sa naturang kaso.

Umiwas naman si Peremne na pangalanan ang nasabing jail guards pero tiniyak na kanila itong tutukuyin kapag napatunayan na nagkasala.

Sa ngayon, pansamantala munang mananatili sa BJMP Regional Office-6 ang mga ni-relieve na jail guards hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon sa mga ito.

DZXL558

Facebook Comments