Lalaki, sugatan matapos manlaban sa pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Cagayan De Oro

45

Cagayan De Oro, Philippines – Sugatan ang isa sa tatlong naarestong lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Cagayan De Oro kaninang umaga.

Ayon sa awtoridad, gumagamit ng rented van ang mga suspek na kinilalang sina Ramil Ilago, Lito Adam, at Clyde Capinpuyan para mag-deliver ng droga sa ilang lugar sa Bukidnon, Cagayan De Oro at Misamis Oriental.

Nakumpiska sa loob ng kanilang sasakyan ang nasa P130,000 na halaga ng shabu at samu’t saring drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act at illegal possession of firearms and ammunition ang mga suspek.

DZXL558

Facebook Comments